Home NATIONWIDE Economic cooperation sa SoKor winakasan na ng N. Korea – KCNA

Economic cooperation sa SoKor winakasan na ng N. Korea – KCNA

SEOUL, South Korea- Bumoto ang Supreme People’s Assembly ng North Korea na kalusin lahat ng kasunduan na nilagdaan kasama ang South Korea sa pagsusulong ng economic cooperation, ayon sa official KCNA news agency ng Norte nitong Huwebes, sa patuloy na pagkakalamat ng relasyon ng dalawang bansa.

Pinaboran din ng assembly, na nagsagawa ng mga pormal na hakbang upang pairalin ang polisiyang alinsunod sa utos ng ruling Workers’ Party, na alisin ang mga batas na namamahala sa economic ties sa Seoul, kabilang ang special law sa operasyon ng Mount Kumgang tourism project.

Sinuspinde ang proyekto noong 2008 matapos mabaril at mapatay ng North Korean guards ang isang South Korean na napadpad sa restricted zone.

Anang North Korea, itinuturing na nito ang South bilang “enemy at war,”, kung saan kinalos noong nakaraang taon ang military pact na nilagdaan noong 2018 na naglalayong ibsan ang tensyon malapit sa military border sa ilalim ng kasunduang nagtapos sa 1950-53 Korean War. RNT/SA

Previous articleSharon, hirap maglakad, nananakit ang mga paa at hita!
Next articlePaalala sa publiko: PhilHealth ‘di nag-aalok ng loan