Home NATIONWIDE Paalala sa publiko: PhilHealth ‘di nag-aalok ng loan

Paalala sa publiko: PhilHealth ‘di nag-aalok ng loan

MANILA, Philippines- Nagbabala sa publiko ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) laban sa mga huwad na website na gumagamit ng pangalan ng ahensya upang mag-alok ng financial loan.

Sa post sa kanilang opisyal na Facebook page, sinabi ng PhilHealth na nagbibigay lamang ito ng agarang benepisyo at serbisyo para sa medikal na kondisyon o surgical procedures ng mga benipisyaryo, na may ilang mga outpatient procedure at pangunahing pangangalaga na sakop ng “PhilHealth Konsulta.”

Paalala ng PhilHealth sa mga miyembro, walang loan sa PhilHealth.

Pinayuhan din ang publiko na iwasan ang paggamit ng website “digido.ph” para makakuha ng loan sa pamamagitan ng PhilHealth.

Hinimok din ang publiko na kumuha lamang ng tamang impormasyon sa opisyal na website sa philhealth.gov.ph.

Hinimok din ang publiko na mag-subscribe at mag-follow sa kanilang social media pages na PhilHealthOfficial sa Facebook at teamphilhealth sa Youtube at X. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleEconomic cooperation sa SoKor winakasan na ng N. Korea – KCNA
Next articleBamboo industry isusulong sa Senado; $3.5B kikitain ng PH