Home NATIONWIDE Bamboo industry isusulong sa Senado; $3.5B kikitain ng PH

Bamboo industry isusulong sa Senado; $3.5B kikitain ng PH

MANILA, Philippines- Isinusulong ng isang mambabatas ang pagpapaunlad ng bamboo industry sa Pilipinas na inaasahang kikita ng $3.5 bilyon kada taon para sa ekonomiya ng bansa.

Inihayag ito ni Senador Mark Villar sa pagsusulong ng Senate Bill (SB) 2513 o ang Institutionalization of the Bamboo Industry Development in the Philippines o Kawayan Act.

“Through the Kawayan Act, we can look forward to a Philippine economy that stands as mighty and grows as rapidly as bamboo does. Similarly, the development of our bamboo industry mirrors the persisting Filipino resilience amid various challenges. No matter what hinders us, no matter what sways and bends us, we will continue to push forward towards progress and development,” ayon kay Villar.

Binanggit ng senador ang research and development programs na isinusulong ng Departments of Science and Technology, trade, environment, at agriculture sa tangkang “tugunan ang kawalan ng impormasyon at data resources.”

“Yet, these initiatives are fragmented and this is worsened by the perception of the private sector for a lack of a functional governmental body overseeing the development of the industry, which thus hinders its optimization,” anang senador.

Inihayag pa ng mambabatas na upang matugunan ang naturang pangangailangan, layunin ng Kawayan Act na patatagin ang Philippine Bamboo Industry Development Council, na binuo ng Executive Order 879, na magsisilbing central body sa direksyon ng pangkalahatang patakaran at programa sa lahat ng bamboo stakeholders.

Inaatasan ang Council na lumikha at ipatupad ang Philippine Bamboo Industry Development Roadmap.

Ipinaliwanag pa ni Villar sa panukalang batas na: “SB 2513 also seeks to further provide a comprehensive approach to the development of the bamboo industry as its provisions mandate the departments of environment, trade, science and technology, tourism, and education and their attached agencies to use bamboo in government programs and to scale up the use, investment promotions, research, and development of bamboo.”

“The Philippine Bamboo Industry Development Roadmap will be guided with actionable, time-bound, and realistic objectives that are aligned with the Philippine Development Plan, in which the former will include substantial and attractive incentives to encourage investments in the bamboo industry,” aniya.

Binanggit ng senador na maraming potensyal na pang-ekonomiya at kahalagahan sa kapaligiran ang bamboo industry kabilang ang trade value, na inaasahang aabot USD88.43 billion sa 2030.

Idinagdag pa niya na bukod sa USD3.5 billion, inaasahan sa industriya na makatulong sa ekonomiya, mahusay na pollution control capacity ang kawayan na naglalabas ng 38 percent na mas maraming oxygen kaysa puno at humihigop ng 12 tonelada hanggang 12 toneladang carbon dioxide kada ektarya. Ernie Reyes

Previous articlePaalala sa publiko: PhilHealth ‘di nag-aalok ng loan
Next articlePI itutuloy kung Charter reform mabibigo – solon