MALIWANAG na PEATC ang may mandato sa pangangasiwa at pangongolekta ng toll ways at fees.
Bakit ngayon ay pinapalagan ng CIC na pangasiwaan ng PEATC ang toll operations at fees?
Sabi ng Metro Pacific at CIC,”Hindi pa kami bayad sa investment namin!” Ano!?
Aba’y 2006 hanggang ngayon hindi pa kayo bayad? Isinasama kami ng Metro Pacific at CIC ang gastos nila sa ibang phase ng Cavitex na wala naman sa original joint venture agreement ng Pilipinas at Malaysian Companies. Ang Phase One lang ang pinag usapan sa Joint Venture Agreement.
Ngayon ay tahasang mapanukso na sinasabi ng CIC na “buy out” daw nila sa gobyerno ang interest nito sa Cavitex ng P2.5 billion pesos. Para ano?
Mapagtakpan ang mga red flag ng COA audit reports. Ibabaon na naman sa limot ang mga diumano “corruption” sa toll way.
Magkano na ba ang maaaring kinita na ng ka-joint venture ng pamahalaan sa proyekto? Dahil nga hindi ang PEATC ang nangangasiwa sa toll fees ay ibabase natin sa simpleng kwenta ang sagot – Ang nakuha ng PRA from 1998 to 2023 representing 10% sa hatiang 90/10 with CIC ay P2,582,206,817.00. Samakatuwid dahil 90% ay CIC ang maaring kumita na sila ng P28,504,930,328.82. Tanong magkano ba nabili ng grupong Metro Pacific ang interest sa project ng original na ka-joint venture ng pamahalaan na P6.7 billion. Tanong hindi pa ba sila kumita ng lagay na iyon?
At kung sakaling PEATC na ang mangasiwa ng tollway fees – wala na bang kita ang CIC. Meron pa rin dahil magsi-shift lang ang hatian ng 60% /40%. Sa Buy-out na sinasabi ng Mega Pacific gusto nila lamunin lahat ito sa halagang P2.5 billion.
Sa isang pahayagan ay sinabi na taliwas daw sa kagustuhan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ginagawa ng pamunuan ng PEATC at PRA dahil malaking private investors sila. Mali! Sa Bagong Pilipinas, dapat walang bahid ng korapsyon ang mga proyektong pinasok ng gobyerno sa private investors. Kung ganito namang klaseng private investors ang papasok at aagrabyaduhin ang Pilipinas, ay huwag na lang. Hindi sila ang kailangan ng bayan.
Ang Buy -out na gusto nila ay mangangahulugang “phase out” ng mga diumano’y katiwaliang nangyari sa CAVITEX.