Home NATIONWIDE Akusasyon sa panonood lamang ng Pilipinas sa isyu sa WPS, itinanggi ng...

Akusasyon sa panonood lamang ng Pilipinas sa isyu sa WPS, itinanggi ng DFA

MANILA, Philippines – ITINANGGI ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang akusasyon ng ilang grupo na nanonood lamang ng Pilipinas sa nangyayaring agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) at tanging ang malalaking bansa lamang ang talagang makikinabang sa naturang usapin.

Sa isang pahayag, iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi isang “bystander” lamang ng Pilipinas sa nasabing isyu dahil maigting na pinagtutuunan ng pansin ang paglutas dito at palaging poprotektahan ang territorial interest sa WPS.

“There are some that want to project the WPS as a matter between great powers, and we are just pawns in this game. This is a notion we fully reject,” ayon kay Manalo sa isinagawang National Security Cluster Communications ng “Bagong Pilipinas” Media Engagement and Workshop na isinagawa sa Philippine Merchant Marine Academy isa San Narciso, Zambales nito lamang nakaraang linggo.

Sinabi pa rin ni Manalo sa kanyang mensahe, binasa ni DFA Assistant Secretary Marshall Louis Alferez, hinihikayat ng Kalihim ang publiko na huwag magpadala sa mga akusasyon na ang layon ay mawalan ng suporta ang taumbayan sa ipinaglalaban ng “Involvement in this maritime and territorial struggle of global importance is happening at the behest of the Philippines. We are not bystanders to the situation,” aniya pa rin.

“The South China Sea is shared by many coastal states, and our portion of it is what we call the WPS. For far too long, the narrative surrounding the WPS has been obscured by misinformation and manipulation,” dagdag na pahayag ni Manalo sabay sabing “Disinformation campaigns run rampant, seeking to distort the truth and sow discord amongst nations and amongst our people.”

Sinabi rin ng Kalihim ang halaga ng pagbuo ng matibay na alyansa ng iba’t ibang mga bansa para mapanatili ang kapayapaan at seguridad ng Pilipinas.

Binigyang diin ni Manalo na ang “illegality of the nine-dash line” ay kailangan na malantad dahil ginagamit ito para takutin ang kabuhayan ng mga mangingisdang filipino at para sa reclamation activities na nagpababa sa kapaligiran.

“We should not allow ourselves to be painted as the aggressors or the violators. Our role is to stand firm. We stand firm on the foundation of international law, with the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitration Award as our anchors,” aniya pa rin.

“We categorically reject the excessive claims and aggressive actions by the People’s Republic of China in the WPS, for they stand in stark opposition to the rule of law and the very principles that ensure peace and stability in our region,” ayon sa Kalihim.

Tinuran pa ni Manalo na ang hangarin ng kapayapaan at seguridad para sa Pilipinas ay maaaring lumakas sa pamamagitan ng pagtatatag ng malakas na partnerships kasama ang ibang bansa sa lahat ng antas.

“We should build partnerships with states that share this advocacy, and craft venues for them to articulate their support for our principled commitment to UNCLOS,” anito.

Samantala, nagkaroon naman ng maritime dialogues sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos, United Kingdom, Australia, Japan, Republic of Korea, Vietnam, Indonesia, India at European Union. Kris Jose