Home NATIONWIDE 491 miyembro, taga-suporta ng NPA na-neutralize ngayong taon

491 miyembro, taga-suporta ng NPA na-neutralize ngayong taon

255
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 491 miyembro at mga taga-suporta ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize mula Jan. 1 hanggang May 22 ng taong ito.

Sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, sa isang press briefing nitong Martes ng hapon na sa bilang na ito, 407 ang sumuko sa government forces.

“(Another) 41 were apprehended and 43 were killed in military operations,” dagdag niya.

Para sa nabanggit na period, inihayag ni Padilla na 332 firearms at 233 anti-personnel mines ang nasabat o isinuko ng communist insurgents sa government troops.

Nasa 68 encampments din ang nahuli sa panahong ito.

Nauna nang sinabi ng militar na 88 mula sa 89 NPA guerrilla fronts ang na-neutralize, dahilan upang isa na lamang weakened front ang matira. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here