Home METRO 5-anyos ika-5 nasawi sa sunog sa fireworks factory sa Cabuyao

5-anyos ika-5 nasawi sa sunog sa fireworks factory sa Cabuyao

MANILA, Philippines- Pumanaw na ang limang taong gulang na bata sa sunog sa isang fireworks factory sa Cabuyao City, Laguna, dahilan upang umakyat ang death toll sa lima, ayon sa local government unit nitong Sabado.

Inilipat ang bata sa isang ospital sa Quezon City subalit hindi nakaligtas, ayon kay Aris Mane, chief information officer ng Cabuyao LGU.

Nilamon ng apoy ang isang fireworks factory sa Barangay Bigaa nitong Huwebes.

Inisyal na naiulat ang dalawang nasawing manggagawa habang anim ang sugatang nasa kritikal na kondisyon, kabilang ang isang bata.

Subalit, nitong Biyernes, umakyat ang death toll sa apat, ayon sa Police Regional Office 4A (PRO 4A).

Kinilala ang mga nasawi na sina John Ronald Gonzales Deduro, 23; Marvin Lamela Ocom, 27; Ricardo Olic-Olic, 51; at Bebot Reymundodia, 44.

Bagama’t mayroong kaukulang permit, hindi ito ang unang pagkakataon na nasunog ang fireworks factory. Walang nasawi sa mga naunang insidente.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/SA

Previous articleWalang magugutom sa ‘Bagong Pilipinas’ – PBBM
Next articleBagong cancer cases nakaambang tumaas ng 77% sa 2050