MANILA, Philippines- Nagbabala ang World Health Organization (WHO) cancer agency na ang bilang ng mga bagong kaso ng kanser ay tataas sa higit sa 35 milyon sa 2050– 77 porsyento ng mas mataas kaysa sa bilang noong 2022.
Binanggit ng International Agency for Research on Cancer (IARC) ng WHO ang tabako, alkohol, labis na katabaan at polusyon sa hangin bilang mga pangunahing salik sa tinatayang pagtaas.
“Over 35 million new cancer cases are predicted in 2050,” ayon sa WHO.
“The rapidly-growing global cancer burden reflects both population ageing and growth, as well as changes to people’s exposure to risk factors, several of which are associated with socioeconomic development,” dagdag nito.
Ang pinakamaunlad na mga bansa ay inaasahang magtatala ng pinakamalaking pagtaas sa mga bilang ng kaso, na may karagdagang 4.8 milyong mga bagong kaso sa pagtatantya sa 2050 kumpara sa mga pagtatantya noong 2022, sinabi ng WHO.
Ngunit sa mga tuntunin ng porsyento, sa mga bansang nasa low end ng Human Development Index (HDI) na ginagamit ng UN ay makikita ang pinakamalaking proporsyonal na pagtaas– tumaas ng 142 porsyento.
Ang mga bansa na nasa medium range ay makapagtatala ng 99 percent increase ayon sa WHO.
“Likewise, cancer mortality in these countries is projected to almost double in 2050,” sabi ng WHO.
Sinabi ni Freddie Bray, pinuno ng cancer survellaince branch sa IARC na ang epekto ng pagtaas na ito ay hindi pantay na mararamdaman sa mga bansang may iba’t ibang antas ng HDI.
“Those who have the fewest resources to manage their cancer burdens will bear the brunt of the global cancer burden,” ayon pa sa WHO. Jocelyn Tabangcura-Domenden