MANILA, Philippines- Inihain sa Senado ang isang resolusyon na nag-uutos sa kaukulang panel na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkawala ng beauty pageant candidate na si Catherine Camilon.
Sa Senate Resolution No. 913, inihayag ni Senator Raffy Tulfo na dumarami ang mga pulis na nasasangkot sa heinous crimes sa mga nakalipas na buwan.
Inamin ni Police Major Allan de Castro, isa sa mga suspek sa kaso, noong Nobyembre na may relasyon sila ni Camilon, ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director, Major General Romeo Caramat.
Sinibak sa serbisyo si De Castro epektibo noong January 16, 2024.
“There is a need to review the screening process ofpolice officers as well as the retention assessment of officers in active duty,” giit ni Tulfo.
Naiulat na nawawala si Camilon noong October 12, 2023.
Sa gabing nawala siya, naiulat na umalis ng kanyang bahay sa Batangas sa Camilon sakay ng gray na Nissan Juke.
“On November 7, 2023, Major General Romeo Camarat Jr., director of the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), reported that two witnesses had seen a bloodied and unconscious Ms. Camilon on the night of her disappearance being transferred by three men to a red Honda CR-V from her gray vehicle,” saad sa resolusyon ni Tulfo.
“On November 8, 2023, the red Honda CR-V was found in a vacant lot where PNP Forensic Group found 17 hair strands, fingerprints, and 12 swabs of blood samples,” dagdag pa rito.
Sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan si Camilon. RNT/SA