Home NATIONWIDE 5 araw na: Visayas Grid, yellow alert ulit

5 araw na: Visayas Grid, yellow alert ulit

43
0

MANILA — Nasa yellow alert status sa ikalimang sunod na araw ang Visayas Grid, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Biyernes.

Epektibo ang yellow alert mula 3 p.m. hanggang 4 p.m., at muling ipinatupad mula 5 p.m. hanggang 9 p.m., habang umabot sa 2,653 megawatts (MW) ang available capacity laban sa inaasahang peak demand na 2,485 MW.

Ang yellow alert ay nangangahulugang ang mga power plant ay bumubuo ng mas mababa sa kinakailangang contingency reserve ng grid. Ayon sa NGCP, 14 na planta ang naka-outage mula Mayo, habang isa naman ang wala pa ring operasyon mula pa noong Marso.

Nasa ilalim ng yellow alert ang Visayas grid mula pa noong Lunes, at nagpatupad na rin ng rotational brownout sa ilang lugar noong Huwebes ng gabi dahil sa kakulangan ng supply. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here