Home METRO 5 arestado sa drug den sa Pampanga

5 arestado sa drug den sa Pampanga

153
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang umano’y operator ng drug den at apat pang katao sa isinagawang pagsalakay o anti-illegal drug operation na inilunsad ng mga otoridad sa Barangay Dau, Mabalacat City dito sa nasabing probinsya.

Ang mga nasabing mga suspek ay pawang mga residente sa naturang na matagal ng minamanmanan ng otoridad.

Ayon kay Regional Director Jigger B. Montallana ng PDEA Region 3, umaabot sa mahigit ₱54,400 na halaga ng hinihinalang shabu at mga paraphernalia ang nasamsam sa nasabing operasyon.

Nahaharap ang mga suspek na may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here