VALENZUELA CITY, Philippines – Lima katao kabilang ang dalawang hinihinalang drug personalities ang isinelda makaraang maaresto sa naganap na ‘Oplan Galugad’ operation ng Valenzuela-PNP sa magkahiwalay na lugar sa nasabing lungsod.
Sa ni Police Investigator PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 8 sa Sapa St., Brgy., Bagbaguin nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ ala-1:20 ng Miyerkules ng madaling araw.
Nasamsam nina Pat Jay-R Verano at Pat Mikko Caballero sa dalawa ang P290 bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,400 na nakuha umano kay alyas “Jhayr”, 23.
Nauna rito, alas-11:50 Martes ng tanghali nang maaresto naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 1 ang tatlong individuals na nagsusugal umano ng ‘lucky 9’ Lord’s Candle Street, Barangay Paso De Blas.
Nakumpiska nina Pat Dan Aldrin Baladad at Pat Julius Valencia sa kanila ang P400 bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P2,584 na nasamsam umano sa 35-anyos na construction worker na si alyas “Daryl”.
Sinampahan na ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) habang karagdagan pa na kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa kay ‘Daryl’ at ‘Jhayr’. (Merly Duero)