SOLANO, Nueva Vizcaya – Arestado ang limang katao matapos na salakayin ng otoridad ang pinaniwalaang drug den sa Barangay Curifang, Solano, Nueva Vizcaya.
Nahuli ang mga suspek na sina alyas Rex, 33-anyos, residente ng Curifang, Solano, Nueva Vizcaya, alyas Orly, 31-anyos, residente ng Quezon, Solano, Nueva Vizcaya, alyas Dan, 19-anyos, alyas Gian, 28-anyos, at alyas Rob, 31-anyos, pawang mga residente sa Brgy. Curifang, Solano, Nueva Vizcaya.
Nakumpiska sa operasyon ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P136,000.00, limang (5) ng marijuana oil na nakalagay sa dalawang vape cartridges, apat (4) na cellphone, iba’t-ibang drug paraphernalia at ang ginamit na buybust money.
Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco