Home NATIONWIDE P1.7M tobats nasamsam sa kusinero, arestado

P1.7M tobats nasamsam sa kusinero, arestado

CEBU CITY- ARESTADO ang isang kusinero matapos makuhanan ng P1.7M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad noong Martes sa lungsod na ito.

Kinilala ni PDEA 7 Acting Regional Director Alex Tablate ang suspek na si alyas Danilo, 53, at residente ng Sitio Highway, Barangay Pung-ol, Mabolo.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 Cebu Provincial Office, Cebu City Mobile Force Company at Mabolo Police Station 4, nadakip ang suspek bandang 7:28 PM sa nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang 10 pakete na naglalaman ng paniniwala shabu na may bigat na 260 gramo at tinatayang aabot sa halagang P1,768,000,buy-bust money, cellphone at motorsiklo na ginagamit ng suspek sa kanyang ilegal na transaksyon.

Sinabi pa ni Leia Alcantara, PDEA-7 information officer, na isinailalim sa 5-buwan monitoring ang suspek matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa iligal na kalakal nito at nakakapagbenta ng 300 gramo sa loob ng isang linggo.

Taon 2015 nahuli ang suspek sa kaparehong kaso at nakalaya ito noong 2023 pero pinalitan ito ng kanyang anak at nakulong sa Cebu City Jail dahil sa kasong illegal drugs.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs o RA 9165 si Danilo./Mary Anne Sapico