ILOCOS SUR- Nagkakahalaga ng P2,300,000.00 ang marijuana plants na pinagbubunot at sinunog ng mga otoridad sa Brgy. Caoayan, Sugpon ng lalawigang ito kahapon, March 12.
Sa inilabas na press release ni Police Lt. Col. Benigno C. Sumawang, nabatid nanagsasagawa ng marijuana eradication (HIO) COPLAN “TSONG KAE” sa Sitio Nagawa ang mga tropa ng Sugpon MPS (lead unit), PDEA RO1-ISPO, 2nd ISPMFC at ISPIU nang madiskubre nila ang tatlong plantation sites na natatamnam ng 11,500 na fully grown marijuana plants.
Agad na pinagbubunot at saka sinunog ng tropa ang mga nadiskubre nilang marijuana plants.
Walang naarestong marijuana cultivator mula sa mga nabanggit na taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso