MANILA, Philippines – Isinampa na ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Tac Appeals (CTA) ang P5.7-billion tax evasion case laban sa limang Chinese nationals na iligal na nagpasok ng mga sigarilyo sa bansa.
Nadiskubre ang iligal na aktibidad ng mga suspek sa isinagawang joint task force operation ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa operasyonng mga sangkot sa anim na lugar ng mga ito sa Valenzuela at Bulacan.
Sinabi ng Office of the City Prosecutor ng Valenzuela City na malakas ang mga ebidensya na isinumite ng Bureau of Internal Revenue laban sa mga suspek.
Ipinagharap ang mga Chinese nationals ng paglabag sa Section 258 (Unlawful Pursuit of Business) in relation to Section 236 at violation of Section 263 (Unlawful Possession of Articles subject to Excise Tax without Payment of the Tax) na pawang nasa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997.
Sa nakalap na mga ebidensya ng BIR, umabot sa P5,764,761,450 ang utang sa buwis ng mga Chinese nationals batay sa nasamsam na
21,000 master cases ng mga iligal na sigarilyo.
Inaasahan na magpapalabas ang korte ng warrants of arrest laban sa limang chinese nationals. TERESA TAVARES