Manila, Philippines – Inisyuhan ng show-cause order ang limang executives ng Office of the President matapos mabigong dumalo sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng umano’y irigularidad sa paggasta ng pondo ng Department of Education at Office of the Vice President sa ilalim ng liderato ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa iniyuhan sina Undersecretary Zuleika Lopez (chief of staff), Assistant Secretary Lemuel Ortonio (assistant chief of staff), Rosalynne Sanchez (director of Administrative and Financial Services), special disbursing officer Gina Acosta and chief accountant Julieta Villadelrey.
Nagbanta ang komite sa pangunguna ni Manila Rep. Joel Chua na kapag nabigo pang dumalo at makapagpaliwanag ang mga naturang opisyal ay haharap ang mga ito sa contempt order na maaaring maging dahilan upang sila ay madetine sa Batasan Complex o depende sa lugar na mapagkakasunduan ng mga meimbro ng komite.
Kasunod ito ng mosyon ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop nang mabigong dumalo sa pagdinig ang may 17 OVP officials at sa halip ay ang dumalo lamang ay si OVP spokesperson Michael Poa na nito lamang Aug. 19 nahirang.
Ngunit sa simula pa lamang ay nilinaw ni Poa na siya ay dumalo sa pagdinig batay sa imbitasyon ng Kamara ngunit hindi siya otorisadong sumagot sa mga bagat at katanungan ukol sa OVP.
Pinagpapaliwanag din ng komite sa mosyon na rin ni Rep Johnny Pimentel si Atty. Pajarda dahil sa kwestyunableng pagugugol sa cash advance nito na P112 milyon na ginamit umano sa youth leadership seminar. (Meliza Maluntag/Gail Mendoza)