MANILA, Philippines – Timbog ang isang online seller at isang babaeng part time model sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay San Francisco sa Binan, Laguna nitong Martes, Septyembre 24.
Nasakote ang mga suspek ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency Laguna at Philippine National Police kung saan nasamsam ang nasa P1.7 milyong halaga ng ecstasy.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Marvin Piathong y Claridad, 28, binata, online seller at nakatira sa Bacoor City, Cavite; at Dhaesyrie Dumale, 20, part time model, residente ng B Camarin, Caloocan City.







