Home NATIONWIDE 5 host ng ‘Machong Chismisan’ pinatawag ng NBI sa mapanlait na pahayag...

5 host ng ‘Machong Chismisan’ pinatawag ng NBI sa mapanlait na pahayag kay Josh Aquino

1
0

MANILA, Philippines — Naglabas na ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa limang host ng natigil nang podcast na “Machong Chismisan” matapos makatanggap ng batikos dahil sa mapanlait na pahayag tungkol kay Josh, panganay na anak ng aktres na si Kris Aquino.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pinatawag ang limang host upang humarap sa NBI sa Oktubre 20. Dalawa sa kanila, kabilang ang pangunahing nagsalita, ang nakatanggap na ng subpoena.

“’Yung dalawa sa kanila especially ‘yung pinaka principal na nagsalita na -receive na ‘yung subpoena,” ani Matibag.

Sinabi rin niyang posibleng lumabag ang mga host sa Republic Act No. 9442 o Magna Carta for Persons with Disability, gayundin sa cyber libel, habang nagsisimula pa lamang ang imbestigasyon.

Dagdag ni Matibag, hindi awtomatikong nawawala ang posibleng pananagutang kriminal ng mga host kahit humingi na sila ng paumanhin sa publiko. Maaari ring isama sa imbestigasyon ang production house ng podcast.

Nauna nang sinabi ni 1PWD party-list Rep. JD Castro na magsasampa ang kanyang grupo ng reklamo sa NBI sa Lunes, Oktubre 19, dahil sa insensitive na mga pahayag ng mga host. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here