MANILA, Philippines- Binangga ng hindi pa natukoy na barko ang isang Filipino fishing boat na may sakay na walong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa ulat, sinabi ng Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon, nangyari ang insidente noong Enero 30 ngunit nai-report lamang sa kanilang unit noong Pebrero 16.
“Accordingly, on or about 08:00 p.m. on January 30, 2025, an unidentified vessel rammed FBCA Prince Elmo 2, with eight crews onboard, at an unknown location,” sinabi ng Coast Guard district.
Sa baybayin ng Vietnam, nailigtas noong Linggo ang lima sa walong mangingisda ng MV Dong An. Ang tatlo ay nanatiling nawawala, ayon sa PCG.
Matapos ma-rescue ang mga mangingsida, nagsagawa ang nasabing sasakyang pandagat ng paghahanap sa katubigan para sa tatlong nawawalang mangingisda ngunit negatibo ang resulta.
Ang Coast Guard Station Bataan ay tumawag kay Mr. John Sayao ng Atiko Trans Incorporated, ahente ng MV DONG AN, at ipinaalam sa kanya na ang barko ay naglalayag patungong Bataan at nakatakdang dumating ng Mariveles ng Miyerkules.
Ipinakalat ng Coast Guard ang BRP Boracay kasama ang isang medical team para tumungo sa katubigan sa Corregidor Island para makipagkita sa MV DONG AN at tanggapin ang mga nasagip na mangingisda.
Nitong Miyerkules, ang limang nasagip na mangingisda ay nailipat na mula MV Dong An sa BRP Boracay.
Sila ay itinurn-over sa Coast Guard Sub-Station Naic at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Naic. Jocelyn Tabangcura-Domenden