Home METRO 2 totoy nalunod sa ilog

2 totoy nalunod sa ilog

LEGAZPI CITY- Patay ang dalawang menor-de-edad matapos malunod nitong Miyerkules habang naglalangoy sa bayan ng Libmanan sa Camarines Sur, ayon sa mga pulis nitong Huwebes.

Sa ulat, inihayag ng Camarines Sur police na nawala ang 11- at 12-anyos na mga lalaki habang naglalangoy sa Bicol River sa Barangay Mambayawas bandang ala-1:30 ng hapon.

Matapos mawala ang magkapatid, agad na iniulat ng kasama nilang isa ring menor-de-edad, ang insidente sa mga magulang ng mga biktima ng alas-2:55 ng hapon. RNT/SA