Home ENTERTAINMENT Jodi, nagpaliwanag sa pag-retire sa showbiz!

Jodi, nagpaliwanag sa pag-retire sa showbiz!

Manila, Philippines – Kamakailan lang ay ibinalita mismo ng Kapamilya aktres na si Jodi Sta. Maria ang sinsabing pansamantala niyang pamamahinga sa larangan ng showbiz. Ito ay sa kadahilanang nais ni Jodi na maipagpatuloy ang pag-aaral at matapos niya ang kanyang master’s degree sa clinical psychology.

Ipinagmamaki siyempre ngayon ni Jodi ang bagong milestone sa buhay niya.

Sa isang Instagram post ng magaling na aktres ay binanggit niyang nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-present ng papel sa isang research conference.

“Yesterday, I had the privilege of presenting my research paper, The Impact of the NADA Protocol (Ear Acudetox) on the Anxiety Level of People Working in Television Production at the Consortium of the South International Faculty Research Conference,” sabi pa ng aktres.

“Hindi ko inakala na mangyayari ito ever sa buhay ko! It felt nerve-wracking but so fulfilling to share my study especially since it is something close to my heart.

“I had an amazing time learning and interacting with the other presenters too,” pahabol pang sambit ni Jodi.

Nagpapasalamat pa rin at super grateful si Jodi sa opportunity naibigay sa bawat isang sumuporta sa kanya.

Pero naniniwala pa rin naman ang mga supporters ni Jodi na anytime daw ay makakagawa pa rin naman ng isang proyektong pagkakaabalahan ang aktres aside from pagiging abala sa papasukin niyang pakikipagsapalaran after makapagtapos ng pag-aaral, huh! Jimi Escala