MANILA, Philippines- Maaari umanong sinusubukan ni Chinese President Xi Jinping na hamunin ang mga naniniwala sa rules-based order lalo na ang mga sumusuportang bansa sa pagkondena ng Pilipinas sa mga “ilegal” na aksyon ng Beijing.
Ito ay ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ilang naiisip na dahilan ng China para itaas ang kinakalkulang agresyon sa South China Sea.
Sinabi rin ni Tarriela na hindi gugustuhing makita ni Xi ang kanyang mga tauhan na siya ay umatras sa inaangkin ng China sa South China Sea.
Sinabi rin ni Tarriela na hindi rin gusto ng Chinese leader ang ibang bansa sa Southeast Asian na magkaroon ng transparency effort na katulad ng Pilipinas “dahil sa sandaling sinimulan nilang gawin iyon ay magiging mas mahirap para kay Pangulong Xi Jinping na kontrahin ang kanilang paglantad ng agresibong aksyon sa South China Sea.”
Iniisip din ni Tarriela na nais ni Xi na itigil ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapakita ng poot nito.
Ngunit naniniwala ang West Philippine Sea task force na ang paglalantad o pagsasapubliko sa agresyon ng China ay nanatiling tamang gawin, hindi lamang para sa mga Pilipino kundi para sa mundo.
Sa kabila nito, naniniwala ang task force ng West Philippine Sea na ang pagsasapubliko ng pananalakay ng China ang tamang gawin, aniya, hindi lamang para sa mga Pilipino kundi para sa mundo.
Nangako ang PCG official na hindi mapipigilan ang PCG sa pagsasagawa ng mga lehitimong pagpapatrolya para igiit ang mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Noong Martes, nagsagawa ng mapanganib na maniobra ang Army Navy helicopter ng Peoples Liberation ng China sa saskyang himpapawid ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung saan sakay ang ilang tahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga miyembro ng media.
Ayon sa PCG, nagsagawa ang Pilipinas ng maritime domain awareness sa Bajo de Masinloc o kilala bilang Scarborough Shoal sa West Philippine Sea nang dikitan ng helicopter ng China. Jocelyn Tabangcura-Domenden