Home METRO 3 timbog sa P14M tobats

3 timbog sa P14M tobats

MANILA, Philippines- Nadakip ng Philippine National Police (PNP) anti-drug operatives ang tatlong suspek at nasabat ang P14.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Makati City at sa lalawigan ng Cebu.

Sa ulat, sinabi ni National Capital Region Police Office chief Brig. Gen. Anthony Aberin na naaresto ang mga suspek na sina alyas Wewel, 28, at alyas Madam, 28, sa isang buy-bust operation sa isang condominium sa Barangay San Antonio, Makati City dakon alas-4:30 ng hapon noong Miyerkules.

Nakumpiska sa kanila ang 1.3 kg. ng shabu na nagkakahalaga ng P8.84 milyon, mobile phones at buy-bust money.

Kakasuhan ang dalawang paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Makati City Prosecutor’s Office.

Samantala, sinabi ni PNP Drug Enforcement Group acting chief Col. Rolando Cuya na ang suspek na si alyas Arman, 43, tinukoy na isang high value individual, ay nahuli sa isang buy-bust sa Barangay Mantuyom, Mandaue City, Cebu bandang alas-12:36 ng madaling araw nitong Huwebes.

Nasabat mula sa suspek ang 825 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5.6 milyon at iba pang non-drug items. RNT/SA