Home NATIONWIDE 5-minute NAIA power outage ‘di katanggap-tanggap – Dizon

5-minute NAIA power outage ‘di katanggap-tanggap – Dizon

MANILA, Philippines – Hindi katanggap-tanggap para kay Transportation Secretary Vince Dizon ang limang minutong power interruption sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Five minutes is too long, unacceptable. Generator should kick in within a minute,” sinabi ni Dizon sa isang press conference.

Ang tinutukoy ni Dizon ay ang power outage sa lahat ng tatlong terminal ng NAIA nitong Linggo, Marso 9.

Sa Terminal 1 ay naranasan ang power interruption ng 7:40 ng umaga at naibalik ng 7:45 ng umaga; Terminal 2 na nawalan ng kuryente ng 7:24 ng umaga at naibalik 7:48 ng umaga, at Terminal 3 ng alas-8 ng umaga at naibalik ng 8:01 ng umaga.

Sa kabila nito, nagpasalamat naman si Dizon sa operator na New NAIA Infra Corp. (NNIC) sa pagkakaroon ng long-term solution.

“They are studying connecting directly to the national grid, because the airport’s power requirement is really big,” ani Dizon.

Umaasa ang DOTR chief na ang maitatama ang insidente at mas mabilis na maibabalik ang suplay ng kuryente.

Ayon kay Manila International Airport Authority general manager Eric Ines, nagkaroon ng power tripping sa buong airfield na nakaapekto sa tatlong terminal.

“NNIC general manager Lito Alvarez told me they would immediately fix this, and that there is a Meralco emergency response team on standby 24/7,” sinabi ni Ines. RNT/JGC