Home METRO 5 nasawi sa nahulog na trak sa Bontoc, nahanap naMETRONATIONWIDETOP STORIES 5 nasawi sa nahulog na trak sa Bontoc, nahanap naOctober 30, 2025 15:272620 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MOUNTAIN PROVINCE, Philippines – Narekober na ang panglima at huling biktima ng nahulog na trak sa Chico River sa Tocucan, Bontoc, Mountan Province.Ang biktima na pinangalanang Edmund Romeo, 22, mula sa San Nicolas, Pangasinan ay narekober ng alas-4:38 ng hapon noong Miyerkules, Oktubre 29, 2025.Ang apat pang nasawi ay sina Carlo Ancheta, Rogelio dela Cruz Jr., JC Galacia at Zoren Alat na nauna nang narekober.Papunta sana sa contruction site sa Mountain Priovince noong lunes nang maaksidente ang mga biktima. RNT/MND