Home METRO Ethanol spill, nakaapekto sa 10 barangay sa NegOr

Ethanol spill, nakaapekto sa 10 barangay sa NegOr

344
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Isang ethanol spill mula sa Universal Robina Corp. (URC) distillery plant sa Bais, Negros Oriental ang naiulat na naka apekto sa 10 coastal barangay sa lungsod at ilang bahagi ng Manjuyod.

Nakipagpulong si Bais City Mayor Luigi Marcel Goñi sa kinatawan ng URC nitong Miyerkules, Oktubre 29, upang pag-usapan at solusyonan ang naging pagtagas na nadiskubre noong Oktubre 24, 2025.

Inatasan ng pamahalaang panlunsod ang URC na linisin ang mga daluyan ng tubig na naapektuhan ng leak at kunin ang mga namatay na isda dahil dito, gayundin ang iba pang naapektuhang aquaculture sa North Bais Bay.

Inabisuhan naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-7 (Central Visayas) ang publiko na umiwas sa paghuli o pagkuha ng mga aquatic organism sa apektadong lugar dahil maaaring nakontamina ito ng mga “harmful pathogens, chemicals, and pollutants” na makakasama sa kalusugan ng tao.

Pinatigil muna ng pamahalaang panlunsod ang operasyon ng URC upang mapigilan ang lubha pang pinsala sa eco-marine life sa Tañon Strait. Sinunod naman ito ng URC.

Ayon sa URC handa itong tumulong sa rehabilitasyon at magbigay ng financial assistance sa mga apektadong mangingisda mula sa Bais City at Manjuyod.

Namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Negros Island Region (NIR) at ang pamahalaang panlunsod ng mga relief goods sa mga pamilyang apektado nito. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here