Home NATIONWIDE 5 patay sa sunog sa gusali sa Hong Kong

5 patay sa sunog sa gusali sa Hong Kong

HONG KONG – Lima ang nasawi habang 35 iba pa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa siksikang residential building sa Kowloon district sa Hong Kong nitong Miyerkules, Abril 10.

Ayon sa RTHK, nagpasaklolo na ang mga residente ng 16-storey building kung saan ang sunog ay nagsimula sa isang gym doon.

Nasa 150 katao ang ligtas na nailikas, habang 40 katao ang dinala sa mga ospital.

Ani Hong Kong Chief Executive John Lee, inatasan na niya ang mga awtoridad na ikasa ang “all-out” effort para gamutin ang mga sugatan.

Sa nasabing bilang ng mga sugatan, anim ang nasa seryosong kondisyon at isa ang kritikal.

Samantala, hanggang sa ngayon ay inaapula pa rin ang sunog na sumiklab sa hiwalay naman na lugar sa Hong Kong, partikular na sa northern New Territories. RNT/JGC