Home ENTERTAINMENT Joey, tahimik sa pagkatalo ng EB sa Showtime!

Joey, tahimik sa pagkatalo ng EB sa Showtime!

Manila, Philippines – Kilalang consistent si Joey de Leon sa bitawan ng mga linya: mapa-on camera o sa social media.

The Master Henyo’s lines are never without a dash of wit and humor.

Sa ilang pagkakataon pa nga’y may tone of sarcasm ang mga ito which gets him into trouble.

There’s something unusual these days though.

Hindi raw kasi nasanay ang mga netizens na “behaved” si Joey sa social media specifically on two accounts.

Kamakailan kasi ay iniulat namin dito sa Remate Online ang pagiging mainitin ng ulo lately ni Joey.

Sumasakit daw kasi ang ulo nito sa kahuhugot mula sa kanyang bulsa ng pera bilang kapital ng programa nilang Eat Bulaga.

Ang longest running noontime show sa bansa ay magkatuwang na pinoprodyus ng Media Quest Holdings at TVJ Productions.

Oo nga raw at pinapasok ito ng napakaraming commercial, pero may production cost ding kailangang isaalang-alang.

For one, isang true-blue artist si Joey, and as such ay hindi niya gaanong gamay ang negosyo.

Nagtataka ang mga netizens kung bakit wala ni isang post si Joey sa social media kaugnay ng ulat na ‘yon.

Ang pinakahuli ay ang mababang ratings ng nakuha ng EB kontra sa It’s Showtime sa April 6 episode.

Batay sa inilabas na aggregated ratings ng AGB NUTAM, nakakuha lang ng 4.4% ratings ang EB as against Showtime na nagtala ng 9.7%.

Again, nakapagtatakang “walang paramdam” si Joey sa social media, at least acknowledging na natalo sila pero may pagbabantang babawi sa susunod.

Pero malay naman ng mga netizens na baka bumubuwelo lang si Joey? Ronnie Carrasco III