Home METRO 5 patay sa trak na bumulusok sa bangin

5 patay sa trak na bumulusok sa bangin

Davao del Norte – Patay ang limang pasahero, kabilang ang tatlong menor de edad, matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang elf truck sa Brgy. Sto. Niño, Talaingod.

Base sa Talaingod Municipal Police na ang trak ay nagmamaneho sa isang pababang daan at habang papalapit sa kurbadang bahagi ng kalsada, pumalya ang preno ng trak at nawalan ng kontrol ang driver dahilan para mahulog ang sasakyan.

Ang limang nasawi ay idineklarang dead on arrival habang ang iba pang mga pasahero ay dinala sa ospital para magamot.

Nasa 25 pasahero ang sakay ng trak, na papunta sa isang beach resort sa Davao de Oro.

Nasa kustodiya ng Talaingod Municipal Police ang driver ng trak at maaaring kasuhan dahil sa aksidente. RNT