PANGASINAN, Philippines – Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa rehiyon ng Ilocos ang limang plantasyon ng marijuana na may sukat na 1,600 metro kuwadrado sa Sugpon, Ilocos Sur, sa mga operasyon noong Agosto 30 at 31.
Sa isang pahayag, sinabi ng PDEA na binunot at sinunog ng team ang nasa 10,250 fully grown na halaman ng marijuana at 1,000 seedlings mula sa mga plantasyon.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA regional office at Ilocos Sur provincial office, sa pakikipag-ugnayan sa Sugpon Police Station at Ilocos Sur Police Provincial Office–Provincial Drug Enforcement Unit sa Barangay Licungan, Sugpon. RNT/MND