MANILA, Philippines – Nabigong sumunod sa mga patakaran sa mga campaign poster ang ilang mga kandidato sa pagkasenador, isang araw matapos ang simula ng campaign period para sa mga pambansang posisyon sa May 2025 elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang naturang mga campaign poster violations ay naitala sa bawat rehiyon.
Ayon kay Garcia, nasa limang senatorial candidates ang talagang may mga paglabag sa bawat rehiyon dahil sa hindi pagsunod sa size requirement, kung saan ilalagay, at hindi sumunod sa environment-friendly na campaign materials.
Sinabi ni Garcia na aabisuhan ang naturang mga kandidato para tanggalin ang kanilang non-compliant posters at tarpaulins.
Dagdag pa ng poll chief na ang national aspirants ay bibigyan ng tatlong araw para alisin ang illegal posters at tarpaulins.
Gayunman, hindi tinukoy ni Garcia ang nasabing mga kandidato.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)