MANILA, Philippines – Nagpahayag na rin ng kagustuhan umatras sa kanyang kandidatura si Dr. Willie Ong.
Sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Ong na magpo-focus na lamang siya sa kanyang kalusugan.
Nagpasalamat din siya sa mga tao n sumusuporta sa kanya at nagdarasal.
Ayon kay Ong, magpapatuloy pa rin ang kanyang pagsuporta sa mabuting pamamahala at sa mga kandidatong nagtataguyod ng parehong mga mithiin gaya ng sa kanya.
Dagdag pa patuloy din ang kanyang pagtulong sa mahihirap na Pilipino kahit sa kanyang pribadong kapasidad.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections. So I can focus more on taking care of my health. I sincerely thank all the people who supported me and prayed for me. I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine.”
“Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity. Thank you for your understanding. God bless you all.”
Ang nasabing pahayag ni Ong, ay ibinahagi rin ng partido Aksyon Demokratiko kung saan Siya kapartido sa kanyang pagtalbo bilang Senador ngayong May 12,2025 elections. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)