Home NATIONWIDE US typhoon missiles sa Pinas pinalagan ng Tsina

US typhoon missiles sa Pinas pinalagan ng Tsina

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Tsina ang pagkontra nito sa deployment ng typhon missiles ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sinabi ng Tsina na sila ay hindi mangingime o “will not sit idly by” sa bantang posibleng idulot ng nasabing deployment ng missile system sa gitna ng tensyon sa South China Sea.

“China will not sit idly by when its security interests are harmed or threatened. Countries in the region will by no means accept this move that goes against the trend of the times,” ang sinabi ni China Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun sa isang press briefing, araw ng Miyerkules.

“We call on the Philippines to change its course, and make a strategic choice that truly serves the fundamental interest of itself and its people, rather than staying on the wrong path and hurting the Philippines itself when it comes to issues like Typhon,” anito.

Ipinahayag ito ni Guo nang tanungin ukol sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa siyang i-pull out ang US Typhon missile sa bansa kung ititigil ng Tsina ang agresyon sa pinagtatalunang katubigan.

“Let’s make a deal with China: Stop claiming our territory, stop harassing our fishermen and let them have a living, stop ramming our boats, stop water cannoning our people, stop firing lasers at us, and stop your aggressive and coercive behavior, and I’ll return the Typhon missiles. Itigil nila ‘yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat ‘yan,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, naniniwala naman ang Beijing na ang deployment ng US Army missiles sa Pilipinas ay walang maidudulot na kabutihan sa regional stability.

“The U.S. deployment of the system in the Philippines severely damages peace and stability in the region, and harms the legitimate security interests of other countries,” ayon kay Guo.

“The Philippines has worked with the US to bring in the Typhon system. It’s placing its national security and defense in the hands of others and introducing geopolitical confrontation and risk of arms race into the region, which does no one good,” diing pahayag nito. Kris Jose