Home NATIONWIDE 9M kabataan suportado ng 4Ps – DSWD

9M kabataan suportado ng 4Ps – DSWD

MANILA, Philippines – Aabot sa siyam (9) na milyong kabataan na may edad 0-18 taong gulang ang patuloy na sinusuportahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal upang matiyak ang kanilang edukasyon at mabigyan ng maayos na kalusugan.

“This is the primary objective of the program – to keep the children healthy so that they can go to school and eventually get a fighting chance to break the intergenerational cycle of poverty in their families,” ani DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.

Ayon pa sa opisyal, base sa December 2024 record, natulungan ng programa ang may 1,013,769 monitored child na pawang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral mula high school, at 476,289 monitored 4Ps children sa elementary level.

Sinabi pa na bukod dito, halos 40,000 former 4Ps beneficiaries ang nakapasa sa iba’t-ibang board examinations kung saan 65 sa mga ito ang nag-top.

Nabatid pa kay Asst. Secretary Dumlao, ang 4Ps ay mayroong mahigit sa 4 million active households nitong 2024, kung saan ang Bicol Region ang naitalang may pinakamalaking bilang na 377,147 4Ps members.

Base sa tala ng December 2024, may kabuuang bilang na 1,223,183 senior citizens, 284,800 solo parents, 269,747 indigenous peoples, and 50,200 persons with disabilities ang mga benepisyaryo ng 4Ps at tumatanggap ng cash grants.

Dagdag pa niya, “It is also interesting to share that as of December 2024, 86 percent of the total 4.4 million registered grantees were female while 13.98 percent were male.”

Ang 4Ps, ay inilunsad noong 2008 at naisabatas ng taong 2019 batay sa Republic Act No. 11310 o 4Ps Act, na nagbibigay ng cash grants sa mahigit sa 4 million households at nagbibigay ng subsidy sa mga anak upang makapagtapos ng elementary at senior high school. Nagbibigay din ang programa ng health at nutrition grants. (Santi Celario)