Home HOME BANNER STORY Suplay ng rosas sa Dangwa nagkukulang na bago Araw ng mga Puso

Suplay ng rosas sa Dangwa nagkukulang na bago Araw ng mga Puso

MANILA, Philippines – Nagkukulang na ang suplay ng local roses sa flower market o Dangwa sa gitna ng pagbuhos ng mga mamimili ng bulaklak para sa Valentines Day.

Ayon sa isang flower vendor na si Aling Millet Batnag, pawang mga imported roses na ang kanilang inaangkat bagamat may kataasan ito ng presyo.

via Jocelyn Domenden-Tabangcura

Dahil aniya sa kumpetisyon ay kakaunti na rin ang suplay ng bulaklak.

Malakas naman aniya ng bentahan ng bulaklak sa ngayon ngunit hindi na muna sila tumatanggap ng order sa online dahil hindi aniya kakayanin ng kanilang tauhan.

Bukod dito, matrabaho rin umano ang paghahanda ng mga bulaklak na inoorder online hanggang sa pagpapadala sa kanilang mga suki.

Kasabay nito, nagbabala ang mga flower vendor sa mga mamimili ng bulaklak na mag-ingat sa mga scammer na nag-aalok ng bulaklak via social media pero wala namang pwesto o itinitinda sa Dangwa para hindi mabiktima.

Mas mainam ayon sa mga nagtitinda ng bulaklaj na magsadya sa Dangwa upang makapili pa ng gustong disensyo at klase ng bulaklak para sa kanilang mahal sa buhay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)