Home METRO 5 stude nakalawit sa pagbebenta ng ‘tuklaw’

5 stude nakalawit sa pagbebenta ng ‘tuklaw’

374
0

MANILA, Philippines – Arestado ang limang estudyante, edad 19 hanggang 25, sa Puerto Princesa City, Palawan, dahil sa umano’y pagbebenta ng “tuklaw” o black cigarettes na may halong synthetic cannabinoid na nagdulot ng pangingisay sa tatlong kabataan.

Nakuha rin sa operasyon ang marijuana.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Ayon kay PNP chief Gen. Nicolas Torre III, iniimbestigahan pa ang iba pang sangkot upang mapigil ang pagkalat ng “tuklaw,” na ibinebenta umano online sa halagang ₱300 bawat milliliter.

Kinumpirma ng PNP at PDEA na ang synthetic cannabinoid sa “tuklaw” ang sanhi ng pangingisay sa mga insidente sa Quezon City at Palawan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here