Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang

260
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Department of Energy (DOE) ang magkakaibang galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Posibleng tumaas ng ₱0.50 kada litro ang gasolina, habang bababa ng ₱0.70 ang diesel at ₱1.00 ang kerosene.

Ayon sa DOE, nakaapekto rito ang pagtaas ng suplay mula sa OPEC+ na nagdulot ng pagdami ng global inventories, mas mahinang demand forecast mula sa IEA, at pagluwag ng tensyon sa kalakalan ng US at China.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na pagbabago sa presyo sa Lunes at ipatutupad ito kinabukasan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here