Home NATIONWIDE Torre: Lahat ng adik, pangit

Torre: Lahat ng adik, pangit

320
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si PNP chief Gen. Nicolas Torre III laban sa ilegal na droga matapos maaresto ang limang estudyante sa Puerto Princesa City, Palawan.

Pinayuhan din ni Torre ang publiko lalo na ang mga kabataan.

“Walang mabuting idudulot sa inyo ’yan… lahat ng adik pangit. Tingnan niyo ang before and after—artista napakaganda, na-adik, tingnan mo [naging] hitsura.”

Ang babala ni Torre ay matapos na matuklasan ang pagbebenta umano ng “tuklaw” o black cigarettes na may halong synthetic cannabinoid na nagdudulot ng matinding pangingisay.

Nakuha rin sa kanila ang marijuana, at mahaharap sila sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nangyari ang operasyon matapos mag-viral ang mga video ng kabataang nangingisay sa kalsada matapos umanong humithit ng “tuklaw.”

Ayon kay Torre, ibinebenta ito online sa halagang ₱300 bawat milliliter at tinutunton ngayon ng PNP ang pinagmumulan at mga ruta ng ilegal na kalakalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here