Home METRO 5 sugatan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Mandaluyong

5 sugatan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang isang residential area sa Block 6, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Huwebes, Marso 21.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang sunog ay nagsimula 8:48 ng umaga at itinaas sa unang alarma 8:54 ng umaga.

Agad na umakyat ito sa ikalawang alarma hanggang sa ideklarang fire under control 9:21 ng umaga.

Pagsapit ng 9:47 a.m. ay idineklara na itong fire out ng mga awtoridad.

Lima katao ang nagtamo ng minor injuries katulad ng pagkasugat at paso.

Wala namang nasawi sa insidente. RNT/JGC

Previous articleAmyenda sa UHC Act suportado ni Bong Go
Next articlePulis arestado sa panggahasa sa dalagitang anak