Home METRO Pulis arestado sa panggahasa sa dalagitang anak

Pulis arestado sa panggahasa sa dalagitang anak

LILOAN, Cebu- HIMAS rehas ngayon ang isang kasapi ng Special Weapon and Tactics (SWAT) matapos ireklamo ng panggagahasa ng 14-anyos na dalagita na sarili nitong anak, noong Martes, Marso 19 sa bayang ito.

Ayon sa Liloan Police Station, bandang 7:00 PM nadakip nila ang 43-anyos na suspek na hindi pinangalanan.

Batay sa report ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Liloan Police Municipal Police Station, dakong 3:15PM noong Lunes, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktima kasama ang ina para pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa reklamo ng dalagita, huli siyang ginahasa ng sariling ama noong Linggo dakong 1:00 AM sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar.

Dagdag pa ng dalagita, hindi na niya kaya ang paulit-ulit na panggagahasa ng ama kaya naglakas-loob na siyang magsumbong sa kanyang ina.

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang Liloan-PNP, na nagresulta sa pagkadakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong incestuous rape.

Isinailalim naman sa medical at psychological eva­luation sa Vicente Sotto Memorial Me­di­cal Center (VSMMC) ang biktima.

Sinabi naman ni Police Col. Percival Zorilla, director Cebu Police Provincial Office (CPPO), hindi nila kokonsintihin ang ginawa ng suspek (pulis) at sisiguraduhin nilang managot ito. Mary Anne Sapico

Previous article5 sugatan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Mandaluyong
Next articleGuro na nanermon ng mga estudyante, ‘di kakastiguhin ni VP Sara