Home METRO 5 sugatan sa sunog sa Parola

5 sugatan sa sunog sa Parola

MANILA, Philippines- Limang indibidwal ang naiulat na sugatan sa sunog sa isang residential area sa San Nicolas, Manila nitong Biyernes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sinabi ng BFP na bumbero ang dalawa sa mga sugatan.

Nagsimula ang pagliyab sa Parola Compound ng alas-11:33 ng umaga at umabot sa third alarm pagsapit ng alas-11:51 ng umaga.

May kabuuang 13 fire trucks at isang ambulansya ang rumesponde sa insidente, base sa BFP.

Idineklarang under control ang sunog pagtuntong ng alas-12:55 ng hapon tuluyang naapula ng ala-1:13 ng hapon. RNT/SA