Home ENTERTAINMENT KC, ‘other woman’ ng jowa?

KC, ‘other woman’ ng jowa?

Manila, Philippines – Nag-research nga ba nang bonggang-bongga ang mga netizens for them to say na lumalabas na “mistress” si KC Concepcion?

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko that KC is into a relationship with a Swiss guy named Mike Wuethrich.

Pero ayon sa ginawang pananaliksik ng mga resourceful netizens, hindi pa raw libre si Mike as in legally ay may asawa pa siya.

Sey ng mga netizens, Mike’s estranged wife is named Denise who still uses her husband’s name Wuethrich.

In short, pinaparatangang husband grabber si KC o sa madaling salita, kabit.

Ito ang sinisilip na dahilan kung bakit nitong nagdaang birthday ni KC (April 7), neither her mom Sharon Cuneta nor her stepdad Kiko Pangilinan hardly posted heartwarming birthday wishes for her.

Napag-alamang mahigpit palang tinututulan ni Kiko ang pakikipagrelasyon ng kanyang stepdaughter kay Mike.

Duda rin ang mga netizens kung bakit binura ni Mike ang kanyang post hoping that KC may find the one thing she deserves in life.

‘Yun ang ginawang basehan ng mga Marites to conclude na hiwalay na sina KC at Mike.

If so, napagtanto raw ba ni KC that she deserves someone else, far better than Mike na walang sabit sa buhay?

Those sympathetic to KC are asking these netizens na lubayan ito and let her decide what she wants in life.

Tigilan na raw nila ang panghihimasok sa buhay ni KC as it is not helping her in any way.

Sa katunayan, ang mga hanash nila para kay KC are doing her more harm than good. Ronnie Carrasco III