Home METRO 5 sugatan sa sunog sa Pasig CityMETRONATIONWIDETOP STORIES 5 sugatan sa sunog sa Pasig CityMay 3, 2026 12:121010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Limang indibidwal ang sugatan matapos ang sunog na sumiklab sa residential area sa Barangay Caniogan, Pasig City.Sa ulat, kabilang sa sugatan ang 54-anyos na residente na nabalian.Kasama rin dito ang isang fire volunteer.Sa inisyal na imbestigasyon ay napag-alaman na nagsimula ang sunog 11:56 ng umaga sa isa sa mga bahay sa Sto. NiƱo Street.Umabot sa unang alarma ang sunog bago naideklarang fire under control 1:35 ng hapon at fire out ng 2:57 ng hapon.Nasa 15 bahay ang natupok ng apoy at 30 pamilya ang inilikas.Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente. RNT/JGC