Home NATIONWIDE 5 tiklo sa illegal na pangingisda sa Surigao

5 tiklo sa illegal na pangingisda sa Surigao

295
0

MANILA, Philippines — Limang indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police–Maritime Group matapos maaktuhang umano’y nagsasagawa ng ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Danawan, Surigao City, bandang tanghali ng Linggo, Enero 4, 2026.

Kinilala ng Maritime Group ang mga nadakip sa mga alyas na “Bern,” 44; “Del,” 30; “Ed,” 27; “Nil,” 40; at “Jun,” 37.

Nasamsam sa operasyon ang isang de-motor na bangkang pangisda, dalawang makina, air compressor na may hose, iba’t ibang kagamitang pang-diving, isang spear gun, at humigit-kumulang anim na kilo ng samu’t saring isda na tinatayang nagkakahalaga ng P123,000.

Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensiya sa Surigao del Norte Maritime Police Station para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998 (RA 10654).

Muling nagpaalala ang Maritime Group sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na paraan ng pangingisda upang maprotektahan ang yamang-dagat at mapanatili ang pangmatagalang kabuhayan ng mga mangingisda. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here