Home NATIONWIDE PNP naka-alerto sa posibleng kilos-protesta vs strike ng US sa Venezuela

PNP naka-alerto sa posibleng kilos-protesta vs strike ng US sa Venezuela

226
0

MANILA, Philippines — Naka–heightened alert ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng posibleng mga kilos-protesta na maaaring isagawa ng ilang grupo kaugnay ng inilunsad na opensibang militar ng Estados Unidos laban sa Venezuela.

Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., mahigpit na binabantayan ng kapulisan ang U.S. Embassy sa Maynila at iba pang itinuturing na critical areas upang masigurong mananatiling maayos at mapayapa ang sitwasyon.

Sinabi ni Nartatez na nakaantabay ang mga yunit ng pulisya, lalo na sa Metro Manila at mga urban areas, para tumugon sakaling may maganap na mga rali o mass actions.

Mayroon na ring karagdagang presensiya ng kapulisan sa mga estratehikong lugar upang maagapan ang anumang posibleng kaguluhan.

Sa ngayon, wala pa umanong namomonitor na aktwal na kilos-protesta, ngunit inaasahan ng PNP na maaaring may ilang grupo na maglunsad ng mga pagkilos kaugnay ng isyu.

Iniatas na rin ni Nartatez sa Manila Police District at National Capital Region Police Office na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at barangay officials upang mabantayan ang sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.

Kasabay nito, inatasan din ang mga intelligence units na subaybayan ang social media at iba pang pampublikong plataporma para sa anumang posibleng banta sa seguridad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here