MANILA, Philippines- Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agents ang limang suspek at nasabat ang P47.6 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust sa Malolos City, Bulacan.
Sa press release nitong Linggo, kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina alyas Joyce, 46; alyas Caloy, 41; alyas Christy, 21; alyas Russ, 20; at alyas Carl, 19.
Naaresto sila nitong Sabado ng gabi sa Barangay Tikay.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang pitong kilo ng hinihinalang shabu na nakatago sa brown-gold foil packs na may tatak na Chinese characters na nangangahulugang “freeze-dried durian.” RNT/SA