Home METRO 5 tiklo sa ‘rentangay’ modus sa QC

5 tiklo sa ‘rentangay’ modus sa QC

101
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang apat na babae at isang lalaki na nasa likod ng “rentangay” modus.

Ito ay matapos nilang tangayin ang isang SUV sa Novaliches, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, Oktubre 16.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District – Station 4, nagpakilala umano ang isa sa mga suspek bilang ahente ng car mortgage sa kanilang biktima na may-ari ng SUV.

“Nakipag-coordinate itong mga suspek na interesado sila sa sasakyan nitong victim na rerentahan daw niya,” pahayag ni PCapt. Melchor Tomulto, hepe ng Station Investigation and Detection Management Unit, sa panayam ng ABSCBN News.

Nangyari ang pag-uusap sa isang parking lot.

Bukod sa nagpanggap na ahente ay may anim pa umanong kasama ang suspek.

Sinubukang paandarin ng dalawa sa mga suspek ang SUV, habang naiwang kausap ng biktima ang limang kasabwat nito.

“Napakiusapan nila itong biktima na itetest lang itong makina for a certain distance. Ngayon naalarma itong biktima kasi nilayo na nung mga suspek yung sasakyan,” dagdag ni Tomulto.

“‘Nong nalingat itong victim natin sumakay itong mga naiwan suspek sa sasakyan. Hinabol ngayon ng kasama ng biktima,” pagpapatuloy nito.

Naaresto sa ikinasang follow-up operation ang ilan sa mga suspek at kaagad na dinala sa QCPD-Station 4.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang dalawa iba pa na nakatakas at tumangay sa sasakyan ng biktima.

“Napag-alaman namin na may mga kaso rin pala sila previously ng carnapping at saka ng estafa. Yun na nga ang modus nila rentangay,” ani Tomulto.

Sasampahan ang limang naarestong suspek ng kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here