Home METRO 5 tulak tiklo sa P2.7M ilegal na droga

5 tulak tiklo sa P2.7M ilegal na droga

CAMP VICENTE LIM, LAGUNA- Limang katao na hinihinalang tulak kabilang ang isang babae ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto makaraang makumpiskahan ng halagang P2,720,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa Barangay San Isidro, Angono Rizal.

Ang mga suspek na kapwa nasa talaan ng PNP na High Value Individual at Street Level Individual na ay kinilala sa mga alyas na Rodney, 27, Melquiadez, 73 , Gladdys, 45, Damuel, 48, at Jose, 32, na pawang residente ng Barangay San Isidro Angono Rizal at Barangay Muzon Taytay Rizal .

Batay sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas-6:18 kagabi nang magsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation matapos na magpanggap na buyer ang isang operatiba na humantong sa pagkakaaresto sa limang suspek.

Narekober sa mga suspek ang 11 pirasong heatsealed transparent plastic sachets at dalawang knot-tied transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may standard price na P2,720,000. Bukod dito, nasamsam din ng dalawang android phone, digital weighing scale, brown handbag at ang ginamit na buy-busy money.

“This accomplishment demonstrates our relentless efforts in combating illegal drugs. The arrest of these high value individuals is a significant step toward ensuring the safety and security of the community. Rest assured, we will continue to intensify our operations to protect the public and uphold the rule of law,” ani PBGen. Lucas.

Samantala, ang limang suspek ay pansamantalang nakapiit sa Angono Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002 ) na isinampa sa tanggapan ng Provincial Prosecutors Office sa Hilltop Taytay
Rizal. Ellen Apostol