
Isang Chinese national na umano’y “spy” at dalawang kasabwat na Filipino ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP)
Nitong Lunes, Enero 20, iniharap ng NBI at AFP sa Department of Justice (DOJ) ang isang Chinese national at kasabwat na dalawang Filipino na naaresto.
Sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc, na base sa open source intelligence sa tulong ng AFP, ang Chinese national ay nakapagtapos at kontrolado at operated ng People’s Liberation Army (PLA) na military ng Chinese Communist Party at ang peoples Republic of China.
Aniya, bihasa ang ‘spy’ na Tsino sa “control engineering” na naaresto sa loob ng sasakyan na minamaneho ng dalawang kasabwat na Pinoy.
Sinabi ni Lotoc na may hawak na ring mapa ang suspek kung saan iikot.
“In fact ang plano po nila pakatapos nilang maikot yung buong Luzon ay next target nila buong Visayas at Mindanao”, saad ni Lotoc.
Ayon sa NBI, ang Chinese national ay nasa Pilipinas na ng humigit-kumulang limang taon.
Sinabi naman ni AFP chief-of-Staff Fen. Romeo Brawner, Jr., na ang grupo na pinamumunuan ng nasabing Chinese spy ay napasok na rin ang lugar kung saan matatagpuan ang sites ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ayon pa kay Brawner, posible aniyang ang koordiansyon at ang topography ay maaring gamitin para sa military purposes, at military targeting purposes.
Naniniwala rin si Brawner na nagsimula ang Cinese espionage noong nakaraang taon nang maaresto ang isang Chinese national dahil sa pag-iingat ng kagamitan na ginagamit umano sa pag-e-espiya.
Tinawag din ni Lotoc ang Chinese national na “sleeper agent” dahil sa kanilang monitoring, ang galawan nito ay nasa normal lang at kayang mag-blend in sa ibat-ibang grupo na hindi napapansin.
Kasabay ng pag-aresto sa tatlong indibwal ang pagkumpiska sa sasakyan na gamit sa pag-i-spy ng Tsino kung saan nakalagay din ang mga naka-install na equipment at gadget. (Jocelyn Tabangura-Domenden)